P2.23 per day, Bigay ng Programa ni Leni sa bawat Mahihirap na Pamilya?

Loading...

Hindi napigilan ng ilang netizen na usisain ang write-up tungkol sa naitulong umano ng Angat Buhay Program ni Vice President Leni Robredo sa mga pamilyang Pilipino. Ayon kasi sa ulat ng Manila Bulletin, mahigit 155,000 pamilya ang nakinabang umano sa ayudang nakakahalaga daw ng P252 million.

May isang chain message na nagpapakita ng kalkulasyon kung paano nagamit umano ang P252 million para sa 155,000 pamilya.

"P 252 M halaga ng aid ng Angat Buhay 155,000 pamilya ang nabigyan ng tulong

P252,000,000/155,000=P1,625.8 bawat pamilya sa 2 taon

P1,625.80 bawat pamilya/2 taon = P812.90 bawat pamilya sa 1 taon.

P812.90 bawat pamilya/365 araw= P2.23 bawat pamilya/araw .

Malinaw sa datos, na nakabigay siya ng tulong (in the form of food, goods, clothing, household wares, medicines, medical kits, bottled water, portalets, trainings, projects etc.) sa mga sinasabi niyang nasa laylayan sa lipunan sa halagang P812.90 bawat pamilya sa bawat taon sa loob ng 2 taong panunungkulan niya.

Malinaw sa computations na nakabigay o nakatulong siya ng P2.23 bawat pamilya sa isang araw.

Ngayon ang tanong: Anong kaginhawahan ang naidulot o naibigay ng P2.23 sa isang pamilyang may limang miyembro sa araw-araw? Did it make a difference in their lives?

Kulang pa itong pambili ng kendi," ayon sa kumakalat na komento ng mga netizens.

Ang Angat Buhay program ay sinimulan noong pang Oktubre 2016 at ito ang itinuturing na flagship anti-poverty program ng opisina ni Leni.

Source: Manila Bulletin | Archive

Loading...

Comments