Watch: 3 Suspek sa Panghahalay sa Dalawang Menor de Edad sa Maynila, Arestado!

Sa kulungan na hihimas ng rehas at magpapalipas ng kanilang mga araw ang tatlong pangunahing suspek sa panghahalay na sinasabing sangkot sa "gang rape" na ginawa nila sa dalawang menor de edad sa Maynila, ayon sa ulat ng Presinto 594. Makikita sa video kung paanong galit na galit na hinahampas at minumura ng isang babae ang mga suspek habang inaawat ito ng mga pulis.

"Initially, nagkaroon sila ng pag-uusap through Facebook. And, dahil fiesta noon, madaling araw, 4:30, nag-meet sila dun sa lugar, dito sa Sampaloc. Nung dumating sila, dalawang minors, may na-meet sila, tatlo, yung kanilang mga kausap. And then, nagkaroon ng konting inuman, pero konting tagay pa lang, nahilo na sila. So ibig sabihin, may inilagay na pampatulog dun sa kanilang ininom,"salaysay ni NCRPO Director PCSupt. Guillermo Eleazar.

Ayon pa kay Eleazar, nang magising ang dalawang menor de edad bandang 7:00 ng umaga, pareho na umano silang minolestya ng mga suspek. Ang isa sa dalawang babae, kasalukuyang may "buwanang dalaw" umano noong mga panahon na iyon kaya't hindi sila nagtagumpay na ito ay gahasain. Gayunpaman, nilaro umano ng mga ito ang kanilang pribadong parte sa harap ng kawawang biktima.

Samantala, higit na kalunus-lunos ang sinapit ng isa pang menor de edad sapagkat naisakatuparan umano ng 5 suspek ang pangga- "gang rape" sa mga ito.

"F**k Boys of Sampaloc. Allegedly, they were involved in similar modus: chatting through internet, young girls, inviting them for drinking session. Afterwhich, pag napainom ng pampatulog, ay kanilang minomolestya,"dagdag pa ni Eleazar.

Sa mga halang ang kaluluwang suspek, magdusa kayo ngayon sa kulungan. Pagbayaran niyo ang bunga ng kahalayang ginawa niyo sa mga kawawang biktima niyo.

Para sa mga kabataan naman po, maging maingat, alerto at listo tayo sa lahat ng pagkakataon. Tayo ang pangunahing magtatanggol sa ating mga sarili kaya't huwag tayong basta magtitiwala sa ibang tao, lalo't pagkatao natin ang nakasalalay.

At sa mga magulang naman po, pakibantayan pong maigi ang inyong mga anak. Sa pag-usad at pag-angat ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon, kasama na rin dito ang paglawak ng lugar para sa masasamang loob. Tulungan po natin ang ating mga anak na mailayo sa nakaambang panganib sa pamamagitan ng paggabay sa kanila sa abot ng ating makakaya.

Source: Presinto 594

Comments