VIDEO: Trillanes 'Ginagamit ako ni Sara Duterte para sa Pagtakbo niya bilang Senador!'

Sa isang pahayag sa media, sinabi ni Senador Antonio Trillanes na ginagamit lang umano siya ni Davao City Mayor Sara Duterte para daw sa 2019 senatorial election.

"Mismo! Di ba!? Parang ano yung ginawa ni Duterte, kaya daw siya tumakbo dahil kay Senator Grace Poe. Di ba ang laking kalokohan. Pero samantalang nakalatag na noon, tatakbo na talaga. Doon at doon na pupunta iyan. Basang-basa eh. Sabi ko nga, yung mga ganyang istilo mababasa mo,"sabi ni Trillanes.

Sa social media post ni Mayor Sara, sinabi niya na huwag siyang gambalain ni Trillanes para mapunta na lang ang kanyang senatorial slot sa dilawan.

" Leave me in peace in Davao City or else you and your friends will spend more than a billion in the 2022 Presidential elections just to make me insignificant. Let me repeat, do not bother me and my slot will be available for a yellow Senator for the 2019 elections,"sabi ni Mayor Sara.

Source: PolitikoTV Channel | Sara Zimmerman Duterte

Comments