VIDEO: Tulfo, Pinagtawanan ang Sinapit ni Sereno sa BBC 'Nasupalpal ang Ale! Sobrang Pahiya!'

Kantyaw ang inabot ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa prominenteng mamamahayag na si Erwin Tulfo. Pinagtawanan kasi ni Tulfo ang sinapit ni Sereno sa panayam nito kay BBC HARDtalk host Stepehen Sackur. Ayon kay Tulfo, sobra ang pagkapahiya ang sinapit ni Sereno sa nasabing panayam. Hinamon din ni Tulfo ang ilan pang mga "dilawan" na sumalang sa programa ni Sackur.

Isa sa mga hinamon ni Erwin na magpa-interview kay Sackur ay si MAGDALO Party-list Representative Gary Alejano.

Banat pa ni Tulfo, hindi na nadala si Sereno dahil napahiya na rin daw si Trillanes kay Sackur.

"Talagang napahiya po yung ale, nasupalpal. Eh kung ako, aalisin ko na ang mukha ko roon. Babalatan ko ang mukha ko. Kukuha ako ng blade, gaganunin ko ang mukha ko, aalisin ko na. Eh sobrang pahiya. Hindi lang pahiya, nasupalpal pa yung ale," sabi ni Tulfo.

Ito po ang panayam na tinutukoy ni Erwin Tulfo.

Source: Erwin Tulfo via Filipino Vlog | HARDtalk via JP Mortel Fajura

Comments