Trillanes, Sumagot sa Hamon ni Bong Go "Pirmahan ng Waiver! Para malaman natin saan galing pera mo!"

Loading...

Kumasa na sa hamon ni Special Assistant to the President Bong Go si Senador Antonio Trillanes. Ayon kay Trillanes, mag one-on-one daw sila sa pagpirma sa waiver. Gusto raw malaman ni Trillanes kung saan galing ang kayamanan ni Go.

"Sige, one-on-one kami, pirmahan ng waiver. Partida na kahit isama pa niya amo niya, 'Yun ang balik challenge ko na may kabuluhan. Kasi sabi ni Duterte bilyonaryo si Bong Go, para malaman natin saan galing ang pera niya," boladas ni Trillanes.

Ang hamunan ng dalawa ay nag-ugat nang sabihin ni Trillanes na nag-iinarte lang daw si Go na hindi tatakbo sa pagka-senador sa 2019.

Ito po ang naging hamon ni Go kay Trillanes.

"SSenator Trillanes,ikaw nga nagkudeta ka pero umatras ka naman, nag-surrender a naman. Anong klaseng kudeta 'yan? 'Wag kang summurender. Kung gusto mo one-on-one na lang tayo. Kahit saan, bahala ka na," unang hamon ni Go.

Basahin ang reaksyon ng ilan nating kababayan sa mga pinagsasabi ni Trillanes.

Source: News5

Loading...

Comments