"Someone might shoot Trillanes because he's Arrogant"- President Duterte

Loading...

Isa sa mga kilalang kritiko ni Pangulong Duterte si Senator Antonio Trillanes IV. Hindi lamang iilang beses na tahasang pinuna at binatikos ni Trillanes ang Administrasyong Duterte sa iba't ibang pagkakataon. Kamakailan lamang nga ay ipinahayag pa ni Senator Trillanes na ipinahihinto na umano ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines ang pagbabantay sa West Philippine Sea, bagay na itinanggi mismo ng AFP, at tinawag na "kuryenteng balita" upang siraan lamang umano ang Administrasyon.

Ngayong humaharap sa reklamong "grave threats" si Trillanes na isinampa ni Labor Undersecretary Jacinto Paras laban sa kanya, isang pahayag ang binitiwan ni Pangulong Duterte patungkol sa Senador, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Loading...

Ayon kay Pangulong Duterte, isang arogante si Trillanes at mahilig makipag-away at makipagtalo.

"This person meanwhile is just ordinary. You know how politicians are. Trillanes is always trying to act tough and threatening and thinks he's better than he is,"saad ni Pangulong Duterte.

"He's always calling for a fight. He believes that he's the only tough one around because nobody fought him back. But there will come a day that someone will shoot him because he's arrogant,"dagdag pa ng Pangulo.

"He feels confident because he's from the Armed Forces, the Navy. But who would believe him? He likes to fight a lot. He was part of the Magdalo before and was pardoned by President Aquino. Now look what happened,"saad ni Duterte.

Ano'ng masasabi niyo rito, mga kababayan?

Source: Manila Bulletin | GMA News

Loading...

Comments