VIDEO: Bong Go, Rumesbak at Hinamon si Trillanes "One-on-One na lang tayo!"

"kung gusto mo, one-on-one na lang tayo. Kahit ano, kahit saan,"

Gaito ang naging buwelta ni Special Assistant to the President Bong Go kay Senador Antonio Trillanes matapos siyang akusahan na nag-iinarte na hindi umano tatakbo sa pagka-senador sa paparating na 2019 senatorial election.

Hindi rin napigilan ni Go na halungkatin ang palpak na mga kudetang iniulunsad ni Trillanes noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

"Sabi ni Senator Trillanes po na nag-inarte ako, hindi po ako nag-inarte kas hindi po ako pulitiko. Hindi ko po ito pinag-planuhan. Senator Trillanes, eh ikaw nga eh, nag-kudeta ka, umatras ka naman, nag-surrender ka naman. Anong klaseng kudeta iyan? Wag kang sumurender," sabi ni Go.

Source: News5

Comments

Unknown said…
Yari si sundalong bahaw!