Pagbili ng Brand New Fighter Jets, Aprubado na ni P.Duterte! P289 Billion, Inilaan ng Gobyerno!

Ayon sa source ng Philippine Star, aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng 2 squadron ng bagong fighter jets o Multi-Role Fighters (MRF). Ang pagbili ng mga naturang sasakyang pandigma ay kasama sa Horizon 2 modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa military official na nagbigay ng impormasyon sa Philippine Star, P289 billion umano ang inilaan ng gobyerno para sa proyekto. Kasama rin umano sa mga bibilhin aay ang bagong missile frigate para sa hukbong pandagat ng Pilipinas (Philippine Navy).

Ang larawan sa itaas ay ilan sa mga itsura ng Multi Role Fighters.

Hindi pa tiyak kung anong klaseng MRFs ang bibilhin, pero ayon sa mga nakuhang impormasyon, balak daw ng Philippine Air Force (PAF) na bumili ng MRFs na gawa sa Europe.

"All now depends how fast our senior leadership can act on this MRF project as approved by the President. But it could be implemented immediately once there’s a go signal from our senior leaders, "sabi umano ng Military official.

Source: Philippine Star

Comments