Mga Chinese Coast Guards na Nanguha ng Isda sa mga Pinoy, Itatapon sa Dagat ayon sa Chinese Ambassador!

"We always have bad apples but if we have bad apples, you know what I’m going to do? I’m going to throw them into the South China Sea and feed the fish,"

Ganito ang naging pahayag ni Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo DUterte ang pagkabahala sa mga ulat na may ilang Chinese Coast Guards na nangunguha ng mga isda mula sa mga Pilipinong mangingisda.

Ayon pa kay Zhao, seryoso at responsable nilang iimbestigahan ang pangyayari at pananagutin kung sino man ang mapapatunayang nagksala sa kanilang panig. Hindi daw nila pinapayagan na gumawa ng makakasama sa mga mangingisdang Pilipino ang kanilang coast guards.

"If there is any misconduct conducted by the Chinese Coast Guards, those individuals will be punished and the rules will be there. As a rule, we do not allow Chinese Coast Guards to do whatever, to do anything that is harmful to the Filipino fishermen," sabi pa ni Zhao

Pero sa mga inisyal na imbestigasyon, lumalabas na hindi harassment ang nangyari kundi isang uri ng barter trade sa pagitan ng mga coast guard ng China at ng mga Pilipinong mangingisda. Ito ay pinatunayan ng isa sa mga mangingisda sa Malacañang press conference.

Source: Manila Bulletin | Filipino Vlog

Comments