LOOK! Mga Balota galing Iloilo, Nakalagay lang sa Picnic Boxes?

Usap-usapan ngayon ang ibinunyag ni Atty. Glenn Chong at ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo. Ito ay tungkol sa mga balota galing sa Iloilo, imbis kasi na nasa loob ito ng ballot boxes, nakalagay umano ang mga balota sa plastic picnic boxes.

Ito po ang litrato mula sa prominenteng blogger na si RJ Nieto aka ThinkingPinoy.

"PICNIC NI MAC AT LENI. Sa halip na pagkain, inumin at chichiriya ang dala nila, election documents ang nasa loob ng kanilang picnic boxes. Sa ilang presinto sa Iloilo, sa halip na nasa loob ng ballot boxes ang mga election documents, ito ay nasa loob na ng mga picnic boxes just as shown in the picture. May mga ballot boxes din na basa na naman ang mga laman na election documents. Ito ay malinaw na patunay ng post-election tampering. Mas masahol pa ang nangyari sa mga balota sa Iloilo kaysa sa Camarines Sur," sabi ni Atty. Chong.

"Yan raw yung kinalalagyan ng mga balotang pinadala sa PET mula sa Iloilo. Hala, balota pala ang laman nito? Akala ko e ibinebentang ulam. ." komento ni ThinkingPinoy.

Ito naman po ang pagbubulgar ni Erwin Tulfo sa kanyang Facebook live. I-skip sa 3:30 mark para mapakinggan agad ang reaksyon ni Tulfo sa isyu.

Source: Erwin Tulfo | ThinkingPinoy | Atty. Glenn Chong

Comments