Kris Aquino, Bumoladas uli! 'Ako ay isang Reyna!'

"OMG I LOVE IT! You finally got something right, I AM A QUEEN"

Ganito ang naging tugon ni Kris Aquino nang tawagin siyang "drama queen" ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson. Sa post ni Asec. Uson, nilinaw nito na walang hidwaan sa pagitan nila ni Special Assistant to the President Bong Go at tinawag niya si Kris na isang manloloko at nagtatangka umano na pagwatak-watakin ang mga taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagmula ang alitan ng dalawa ng mag-post si Asec. Uson ng video comparison kung saan ipinapakita ang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang tagahangang Filipina sa South Korea at ang paghalik kay former senator Ninoy Aquino ng ilang babae.

Source: Politiko | Kris Aquino

Comments