"Im the Most Productive Senator"- Sen. Trillanes

Loading...

Habang apat na Senador ang nakapagtala ng "perfect attendance" sa ikalawang regular na sesyon ng 17th Congress batay sa records ng Senado, isa naman si Senator Trillanes sa sinasabing nakadalo lamang nang 52 sessions. Dalawampu't tatlong beses umanong nasa "official mission" si Trillanes, kung saan 20 rito ay sa labas ng bansa. Apat na beses din umano siyang lumiban. Samantala, ang mga Senador na may kumpletong attendance ay sina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dating Senate President Aquilino Pimentel III, at Senator Panfilo Lacson, ayon sa ulat ng GMA News

Idinepansa naman kaagad ni Senator Trillanes ang sarili kaugnay nito. Aniya, mayroon umano siyang official business bagama't wala siya sa loob ng session hall na covered naman umano ng travel authority kaya't technically, hindi raw iyon maituturing na pagliban. Ginagawa naman daw niya ang kanyang trabaho.

Loading...

"Given the opportunity na imbestigahan 'yung mga kalabisan nitong administrasyon na ito, ginagawa ko. Sa ganitong klaseng administrasyon na baluktot, 'yun ang importanteng trabaho ng Senado na apparently, hindi na namin ginagawa,"saad ni Trillanes.

"Ang hindi nare-report is number one ako bilang most productive senator dito sa Congress na ito. So, diba 'yun ang mas importante kaysa naka-attend ka nga diyan, araw-araw kang uma-attend pero wala ka namang ginagawa,"pahayag ng Senador.

"I'm the most productive in terms of the number of bills filed. I'm in the top five at least sa pinakamaraming sponsored na bills. So, ginagawa ko 'yung trabaho ko,"dagdag pa ni Trillanes.

Ano'ng masasabi niyo rito, mga kababayan?

Source: GMA News

Loading...

Comments