"Filipinos feel SAFER Under the Duterte Gov't" - Forbes Columnist

"Duterte Has Brought Safety To The Philippines"

Ganito ang pamagat ng artikulo ng kolumnista ng Forbes na si Panos Mourdoukoutas. Ikinumpara ni Mourdoukoutas ang kasalukuyang kalagayan ng kaligtasan sa Pilipinas laban noong 2014 (panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino). Ibinase ni Mourdoukoutas ang kanyang pahayag sa datos mula sa kalalabas pa lang na 2018 Global Law and Order report.

Sa 2018 Global Law and Order report, kapansin-pansin ang pag-angat ng grado ng Pilipinas. Kung noong 2014 ay nasa 76 lang ang ating bansa, noong 2017 ay umakyat tayo sa ika-82. Kinumpirma umano ng naturang ulat na gumagana ang kampanya kontra-droga ng Duterte Administration.

Makakatulong daw ang pagbuti ng seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa patuloy na pag-usbong ng ekonomiya ng Pilipinas. Kinilala rin sa naturang artikulo ang pag-lago ekonomiya ng ating bansa.

"Besides allowing people to walk safely in the night, law and order is important for helping emerging market economies like the Philippines run smoothly and sustain economic growth. The Philippines economy grew at an annual rate of 6.8% year-on-year in the March quarter of 2018, matching China’s numbers," sabi ni Mourdoukoutas.

Source: Forbes | news.gallup.com

Comments