DFA Passport Appointment System, Inuulan ng Reklamo!

Nahihirapan ka bang magpa-schedule ng appointment online sa website ng Department of Foreign Affairs para makakuha o makapagpa-renew ng passport? Mukhang hindi ka nag-iisa, dahil ngayon, inuulan ng samu't saring batikos at reklamo ng mga netizens ang sistemang ito ng DFA. Sa kanilang Facebook Page na "Department of Foreign Affairs Republic of the Philippines", mababasa ang mga hinaing at pagkadismaya ng ilan nating kababayang nahihirapan umanong makakuha ng bakanteng slots para sa appointment, sa lahat ng sites, araw at oras na sinubukan nilang kuhanan.

Ayon sa ilan, nakapagtataka raw na lahat ng slots ay "full" araw-araw. May mga nagrereklamong hindi rin daw sila nakatanggap ng " confirmation message" matapos makakuha ng slot, at nag-aalangan sila kung papapasukin sila sa opisina sakaling personal silang pumunta roon. Ang iba naman, nagpupuyos sa galit dahil lantaran pa rin daw ang nagaganap na "bentahan" ng slots na sinasamantala ang hirap ng proseso sa pagkuha nito. Ayon pa sa ibang nagrereklamo, hindi naman daw nila maaaring bantayan ng 24/7 ang website ng DFA para lang makatyempo ng available slots para sa appointment dahil may mga oras din na kailangan nilang magtabaho at magpahinga. Sigaw ng ilan, tila mas maayos at mas madali pa raw makakuha noon ng passport kaysa ngayon.

Basahin ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

Para po sa kinauukulan, nawa po ay mabigyan ng madalian at tamang aksyon ang problemang ito ng ating mga kababayan. Ang inyong epektibong pagtugon at pagkilos ay kailangang kailangan po ng maraming Pilipino.

Source: DFA Philippines Facebook Page

Comments

Nkakahiya k Cayetano ulol!