Cong. Alejano, May Hamon sa mga Tao 'Huwag Niyo akong Iboto kung...'

May matindng hamon si MAGDALO Congressman Gary Alejano sa mga botante. Ayon kay Alejano, hinahamon niya ang publiko na huwag siyang iboto sa paparating na 2019 senatorial elections kung mapapatunayan na nagsisinungaling siya sa akusasyon niya tungkol sa pagpapahinto umano ng MalacaƱang sa militar na mag patrolya sa West Philippine Sea.

"I encourage the Filipino people not to vote for me if they believe I'm lying... This is not about me. This about the country," sabi ni Alejano

Ibinulalas ni Alejano ang impormasyon na natanggap niya noong Sabado sa isang news forum. Pero ang mga akusasyon ni Alejano ay agad pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

"I do not know where Cong. Alejano got that supposed instruction from the Commander-in-Chief. Malamang kuryenteng balita 'yan if not yet another malicious imputation on the President dragging the AFP in," sabi ni AFP spokesperson Colonel Edgard Arevalo.

Pero kahit na binutata na siya ng AFP ay pilit pa rin tinitindigan ni Alejano ang mga akusasyon niya laban sa MalacaƱang.

Source: GMA News

Comments