Asec. Mocha Uson, Hindi Magso-Sorry kay Kris Aquino: "This is Not About You!"

Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang maging-usap-usapan ang "paghalik" ni Pangulong Duterte sa isang Pilipina sa kanyang pagbisita sa South Korea, bagong kontrobersiya naman ngayon ang laman ng mga balita at ng social media. Ito ay ang tensyon sa pagitan nina Assec. Mocha Uson at Kris Aquino.

Matatandaang sa isang videong inilabas ni Kris, sinabi niyang hindi umano dapat gamitin ni Mocha ang sitwasyon noon ng kanyang amang si Ninoy Aquino, kung saan hinalikan ito ng dalawang babae sa eroplano, ilang sandali bago barilin si Ninoy noon sa Manila International Airport. Ayon kay Kris, nagsalita siya bilang anak dahil masyado na raw nadungisan ang alaala ng kanyang ama at ina. Hinamon ni Kris si Mocha na itigil na umano ang mga ginagawa nito dahil sa susunod daw na mabastos nito ang kanyang ina at ama, silang dalawa na raw ang magtutuuos. Hindi napigilan ni Kris ang kanyang emosyon at luha habang siya ay naglalabas ng sama ng loob. Handa umano niyang harapin si Mocha sa kahit anong lugar at pagkakataon. Dagdag pa ni Kris, marami raw ang nagtatanong sa kanya kung bakit kailangan niyang bumaba sa "level" ni Mocha, subalit ginagawa niya raw iyon dahil mahal niya ang kanyang mga magulang.

Samantala, sumagot naman si Assec. Mocha Uson sa live video na ginawa ni Kris. Sa Facebook Page ni Uson ay naglabas din ito ng isang video kung saan sinabi niyang ang isyu ay hindi raw tungkol kay Kris Aquino. Ani Uson, ito umano ay tungkol sa paglalagay ng malisya sa isang halik, na itinumbas lamang daw sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay ni Kris na si Ninoy.

"Ms. Aquino, this is not about you,"ani Mocha Uson.

"With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth,"dagdag pa ni Uson sa hiwalay niyang post.

Ano'ng masasabi niyo sa iriningang ito, mga kababayan? Mayroon nga bang dapat humingi ng paumanhin?

Source: MochaUson Blog| AwitniwRED

Comments