"Anti-Terrorsism Law, Banta sa Human Rights Groups!"- ACT Teachers Rep.Tinio

Loading...

"The bills are being fast-tracked as part of the priority legislative agenda of President Duterte."

Ganito ang isa sa mga naging pahayag at pananaw ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, bilang babala hinggil sa aniya'y nakaaambang banta sa karapatang pantao, matapos talakayin ng House Panels ang ilang bills kontra-terorismo, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.

Loading...

Nagpaaala si Tinio matapos talakayin ng House commitees on public order and safety at ng national defense and security ang dalawang hakbang upang -iammend ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007. Dalawa sa mga tinalakay ay ang House Bill 7141 o "An Act to Secure the State and Protect our People from Terrorism", at House Bill 5507,na naglalayong ideklara bilang "labag sa batas" ang pagiging miyembro ng alinmang Philippine-court-proscribed o United Nations Security Council-designated terrorist organization.

"These bills pose a serious threat to universally recognized and constitutionally guaranteed rights and liberties, including the right to life, liberty, poverty, privacy, free association, free expression and due process,"saad ni Tinio.

Ayon pa kay Tinio, magbibigay lamang umano ang mga bills na nabanggit sa Administrasyong Duterte ng mas malawak na kapangyarihan, upang patahimikin at pabagsakin ang mga kritiko at opponents nito, sa ngalan ng paglaban sa terorismo. Nananawagan siya sa lahat ng mamamayan na aniya'y pinahahalagahan ang karapatang pantao at kalayaan na sama-samang tumayo at labanan ang nasabing mga hakbang kaugnay ng bills na nabanggit.

Giit ni Tinio, ang mga nasabing "measures" ay magbibigay ng pantay na karapatan at kakayahan sa mga militar at mga pulis kapag ang pinag-uusapan ay pagpapatupad ng batas, at sa ilalim ng mga ito ay maaari rin daw agad na ituring bilang kriminal ang isang indibidwal na kabilang o nais mapabilang sa isang proscribed organization, at kamkamin ang mga ari-arian ng mga ito nang hindi dumadaan sa tamang proseso ng paglilitis.

Maaari rin daw itong magbigay daan sa pagpapatupad ng "death penalty" sa ilang pagkakataon, sa kabila ng aniya'y pagbabawal nito sa Pilipinas, at pagmumulan din daw ito ng restriksyon sa malayang pamamahayag.

Ano'ng masasabi ninyo sa pahayag na ito ng Solon?

Source: Manila Bulletin

Loading...

Comments