AFP, May Buwelta kay Alejano Laban sa Paratang Nito kay Pangulong Duterte! "kuryenteng balita"

"I do not know where Cong. Alejano got that supposed instruction from the Commander-in-Chief. Malamang kuryenteng balita 'yan, if not yet another malicious imputation on the President dragging the AFP in."

Ganito ang ilan sa mga naging buwelta ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Col. Edgard Arevalo, matapos ang naging pahayag ni Magdalo Rep. Gary Alejano na ipinatitigil na umano ni Pangulong Duterte sa AFP ang pagbabantay sa West Philippine Sea. Ayon sa ulat ng Inquirer, mariing pinabulaanan ni Arevalo ang paratang na ito ni Alejano, at sinabing wala silang natatanggap na ganung utos mula sa itaas.

"For the record, there is no such order coming from the Commander-in-Chief. As a matter of fact, our maritime and aerial patrols continue- contrary to such information allegedly received by the Parylist Congressman,"dagdag pa ni Arevalo.

Matatandaang sinabi ni Alejano na nakatanggap daw siya ng impormasyon mula sa isang "military source" na ipinahihinto na umano ni Pangulong Duterte ang pagpapatrol sa kontrobersiyal na West Philippine Sea.

"I received an information that the Duterte Administration ordered our Armed Forces not to patrol West Philippine Sea anymore. Ayun ang information na nakuha natin na 'wag na tayong magsayang ng oras sa West Philippine Sea kasi wala namang mangyayari. Gagastos tayo ng fuel diyan wala rin namang mangyayari... so 'wag na kayong magpatrolya. Isn't that an impeachable offense already?"saad ni Alejano sa isang news forum.

"I'm confident with the information coming from my sources,"dagdag pa ni Alejano.

Samantala, ayon sa AFP ay tinitiyak umano nila sa publiko na ipagpapatuloy ng military sector ang pagtupad nila ng tungkulin sa ating mga kababayan.

Saan kaya nakuha ni Cong. Alejano ang sinasabi niyang impormasyon? May katotohanan kaya ito? Ano sa palagay niyo, mga kaibigan?

Source: Inquirer | GMA News

Comments

archieherrera said…
Ang Tawag jan ay Mema 2019!