88% ng Netizens, Nasa Panig ni Mocha Uson, Ayon sa Online Survey!

Matapos ang namuong tensyon sa pagitan ni Assec. Mocha Uson at ni Queen of All Media Kris Aquino, isang online poll ang inilabas sa website ng GMA Entertainment, upang hingin ang boto ng netizens kung kanino sila higit na pumapanig: kay Kris o kay Mocha.

Batay sa resulta, sa kasalukuyan ay umabot na sa 88.6% ang nagsasabing nasa panig sila ni Mocha Uson, habang 11.3% ang pumanig kay Kris Aquino.

Ang kontrobersyal na tensyon sa pagitan ng dalawa ay nag-ugat sa pagpo-post ng isang video ni Assec. Uson sa kanyang Facebook Page, kung saan makikitang may dalawang babaeng humalik kay Ninoy Aquino sa loob ng eroplano, ilang sandali bago ito barilin sa Manila International Airport. Giit ni Kris, binalahura umano ni Mocha ang alaaala ng kanyang mga magulang, bagay na hindi niya umano maaaring palampasin. Hinamon niya rin si Uson na handa raw siyang makipagtuos dito, sakaling muli nitong idawit ang pangalan ng kanyang mga mahal sa buhay.

Depensa naman ni Uson, ang isyu ay hindi raw tungkol kay Kris, dahil ang video umano ni Ninoy na kanyang ipinost ay isang paghahambing sa pagbibigay-malisya ng mga tao sa isang halik. Wala rin umanong balak si Uson na humingi ng paumanhin kaugnay nito.

Nagsimula ang lahat matapos kumalat at naging maingay ang isang eksena ng "paghalik" ni Pangulong Duterte sa isang Pilipina nang siya ay bumisita sa South Korea, sa harap ng entablado, at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko.

Ikaw, kanino ang boto mo? Sa panig ni Kris o sa panig ni Mocha?

Source: GMA News

Comments

JETZ said…
#WeSupportMochaUson
Mocha is right kris or crazy is rubbish