VP Recount, Dinaya? Mga Balota, Binasa! Mga Audit Logs, Nawawala!

Loading...

Inilutang ni former senator Bongbong Marcos sa mga reporters ang isyu ng basang balota at nawawalang audit log sa pagsisimula ng vice president elections recount ngayong araw.

"Hindi namin maintindihan papaano, imposible naman siguro na dalawang taong basa 'yan. Palagay ko, kailangan talaga pag-aralan kung paano nangyari 'yan. Ibig sabihin kasi kung may nagbasa, may nagbukas nung ballot box," sabi ni Marcos.

Ayon sa kampo nila Marcos, gagawan nila ng paraan para ma-recover ang audit logs na kailangan sa recount.

"Bakit walang audit log? Ibig sabihin binuksan 'yung ballot boxes, kinuha 'yung audit log. At hindi namin makita... Kung lahat ng boto pumasok, halimbawa...500 boto ang pumasok within 30 minutes, nag-batch feeding 'yan...'yan lahat ay nasa audit log... We're going to have to find a way to recover those audit logs somehow. Since we are using computers, baka naman it's possible that those audit logs are in the database," dagdag pa ni Marcos.

Basahin ang reaksyon ng mga tao sa rebelasyon na ito.

Source: GMA News

Loading...

Comments