Umamin na! Alejano, Tatakbo sa Senado! "Meron akong enough experience para sa senado"

"The fact na nakadalawang terms na ako sa legislation, sa tingin ko po meron na akong enough experience para sa posisyon na senador."

Ito ang naging pahayag ni Magdalo Congressman Gary Alejano nang matanong siya tungkol sa posibilidad na pagtakbo bilang senador. Ayon pa kay Alejano, bukas daw ang grupo nilang Magdalo na makipag-alyansa sa ilang political parties.

"Sa tingin ko naman kailangan talagang 'mag-volt in' sa ibang mga grupo considering the fact na ang kasalukuyang administrasyon na aside from lahat ay gustong magpakitang-gilas kaya sumasama sa PDP, ay napakabigat din ng partidong ito... As of now nag-uusap pa naman ang mga grupo. But definitely ang nakikita namin ay sa grupo ng Tindig Pilipinas na kung saan ay coalition ito ng iba't ibang grupo, at yung Liberal Party, definitely makakasama din natin 'yan," sabi pa ni Alejano.

Ang ideya ng pagtakbo ni Alejano ay una ng ibinulalas ni Senador Antonio Trillnaes sa isang presscon. Si Trillanes ay nasa ikalawa at huli niyang termino bilang senador at hindi na maaring tumakbo sa senado sa 2019.

Pangungutya naman ang inabot ni Alejano sa mga tao. Ito po ang kanilang mga komento at reaksyon.

Source: GMA News

Previous
Next Post »