Tulfo, Pinaliguan ng Sermon si CJ Sereno "Hoy Bruha! Hinayupak ka! Sisihin mo ang Amo mong si Noynoy!"

Halos maghilamos na ng lait at sermon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa programa ng batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo nang talakayin ng journalist ang pinagsasabi ng punong mahistrado sa kinahaharap nitong impeachment at quo warranto petition.

Ayon kasi kay Sereno, mawawala umano ang judicial independence kung matatanggal daw siya bilang punong mahistrado.

"Hoy Chief Justice Bruha Sereno. Salita ka ng salitang na wala ng juidical independence. Kahit ano pang ngangawin mo jan hinayupak kang tao ka, ang sisihin mo ang amo mong si Pnoy," sabi ni Tulfo.

Sabi pa ni Tulfo, ang dapat sisihin ni Sereno ay si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil ito raw ang pasimuno ng pagpapatanggal ng Chief Justice.

"Siya ang kauna-unahang Presidenteng na nagpa-impeach ng Chief Justice. Ogag! Ang amo mo ang nagpa-uso niyan na sibakin ang Chief Justice dahil sa SALN. Kinuwestiyon nila ang SALN ni Chief Justice Corona," ani Tulfo.

Basahin ang naging tugon ng mga tao sa pahayag ni Tulfo laban kay Sereno.

Source: Erwin Tulfo

Previous
Next Post »