"Tularan natin si Hesukristo"- Senator Leila de Lima

Ngayong Semana Santa, may panawagan si detained Senator Leila de Lima para sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at publiko.

Ayon kay De Lima, dapat umanong "tularan" ng mga naglilingkod sa bayan ang naging pag-aalay ni Hesukristo ng Kanyang sarili upang imulat ang sangkatauhan sa katotohanan at magabayan ang mga tao sa tamang landas.

Nanawagan din ang senadora sa taumbayan na muling ibukas ang pag-iisip at palawakin ang pang-unawa sa aniya'y totoong problema ng bansa, kaysa isipin ang mga bagay na ukol sa paghihiganti, kayabanagan at pansariling kapakinabangan.

Dagdag pa ni De Lima, kailanman ay hindi umano ginamit ni Hesukristo ang kapangyarihan Nito sa kasamaan o para yurakan ang kapwa, sa halip ay naging halimbawa ng kabutihan at paglilingkod.

"Ganito sanang katangian ang tularan natin, lalo na ng ating mga pinuno sa kasalukuyan. Sa halip na magharia-harian at umabuso sa katungkulan, magmalasakit at pagsilbihan natin ang ating mamamayan, lalo na ang mga kapuspalad at naisasantabi", saad ni De Lima.

Ano'ng reaksiyon niyo sa pahayag na ito ng Senadora?

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »