Tsinong Nag-Amok, Sinaksak sa Leeg ang Syota! Tumba sa Rumespondeng Pulis Parañaque!

Patay ang isang lalaking Chinese National nang mabaril ito sa leeg ng rumespondeng pulis, matapos nitong magwala at pagsasaksakin ang kinakasama nitong babae na isa ring Tsino, sa isang kalye sa Parañaque City.

Sa eksklusibong ulat ng ABS CBN, tinangka pang awatin ni PO3 Danilo Bautista ang pag-aamok ng nasabing lalaki sa maayos na pamamaraan, ngunit maging ang pulis ay inambaan nito ng saksak, at nadaplisan sa palad nito ng hawak na patalim. Dahil dito ay napilitang magpaputok si Bautista at tinamaan sa leeg ang lalaki na agad niyang ikinamatay.

Samantala, naisugod naman kaagad ang babae na nagtamo rin ng mga saksak sa leeg nito. Pagkatapos ng insidente ay nagpasalamat ang babae sa mabilis na aksiyon ng mga pulis at pagliligtas sa kanyang buhay.

Ayon sa mga saksi, nauna na nilang nakitang nag-aaway ang lalaki at babaeng intsik. Napag-alaman naman sa imbestigasyon ng Parañaque Police na selos ang naging ugat ng pagwawala ng lalaki. Nakita umano ng lalaki na may kasamang iba ang babae na siyang nagtulak dito upang mawala sa tamang pag-iisip.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »