Trillanes to Gordon "Dasal ko na Matanggal ka sa Senate Blue Ribbon Panel!"

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa si Senator Antonio Trillanes IV sa mga hayag na kritikong bumabatikos sa pamahalaang Duterte, maging sa buong kampo nito.

Sa ulat ng Inquirer, sinabi ng Senador na hindi umano siya makapapayag na mapunta ito sa isa na naman umanong "tuta" ni Pangulong Duterte, sakaling magkaroon ng pagbabago sa chairmanship ng blue ribbon committee.

Ipinagdadasal umano ni Trillanes na mapalitan si Senator Gordon sa posisyon ngunit hindi umano niya alam kung may sapat pa siyang kapangyarihan para mangyari iyon.

Dagdag pa ng senador, hindi umano maaaring maipagkaloob muli ang nasabing puwesto sa panig ng kampo ni Pangulong Duterte dahil aniya, maaari umano itong gamitin ng Pangulo sa kanyang pansariling proteksiyon. Nais niya raw itong mapunta sa isang senador na may mas bukas na pag-iisip.

Sinabi rin ni Trillanes na wala rin daw magyayari kung mapapalitan ang Senate President subalit mananatiling blue ribbon committee Chairman si Gordon.

Paglilinaw ni Trillanes, binanggit na rin umano niya kay Senate President Koko Pimentel na ang pagpapalit ng chairmanship ng blue ribbon committee ang tanging susi upang mapanatili ang demokrasya sa Senado.

Sang-ayon ba kayo sa sinabing ito ni Senator Trillanes?

Source: Inquirer

Previous
Next Post »