Trillanes to Boracay Residents "Mag-file kayo ng TRO laban sa KABALBALAN ni DU30!"

"So maliwanag na nagsisinungaling si Mr. Duterte. Sinabi din niya noong February na meron siyang moratorium sa paggawa ng casino. Inulit din niya yan kahapon pero noong March 21, nag-grant ng license itong Pagcor. So dito niyo makikita kung gaano kasinungaling si Duterte".

Ganito ang naging pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV patungkol kay President Duterte, kaugnay sa usapin ng nalalapit na 6 na buwang pagpapasara sa Isla ng Boracay, ulat ng Inquirer.

Ayon kay Trillanes, taliwas umano sa sinabi ng Pangulo na walang planong itayong Casino sa isla, ipapasara umano ang Boracay upang bigyang-daan ang mabilisang pagtatayo ng mga Casino roon. Dagdag pa ng Senador, kasinungalingan umano ang sinabi ng Pangulo dahil aniya, kitang-kita pa umano sa isang larawan ang pakikipag-kamay nito sa mismong may-ari ng casino. Ang nasabing litrato ay kuha noong Disyembre, na ipinakita ni Trillanes sa kanyang press briefing sa opisina niya sa Senado. Hindi rin umano siya naniniwala sa naging pahayag ni Duterte na magkakaroon ng land reform sa Boracay para sa mga magsasaka kapag ito ay naipasara na.

Sa huli,hinikayat ng senador ang mga redidente ng Boracay na na mag-file ng petisyon para sa Temporary Restraining Order sa Korte Suprema upang maihinto ang naturang pagpapasara, na tinawag niya pang "kabalbalan" ni Pangulong Duterte.

Makikipag-ugnayan din umano siya sa mga tamang ahensiya na magsumite ng isang master development plan para sa rehabilitasyon ng Boracay, gayundin sa relokasyon ng mga maaapektuhang residente ng isla.

Ano'ng masasabi niyo rito mga kababayan?

Source: Inquirer | Politiko TV

Previous
Next Post »