Trillanes, Itinulad sa Isang BABOY ni Sen. Gordon! "Mahilig sa Putik!"

"Ganun din siya kung tirahin nya ako laitin niya ako ganun na lang. ‘Di ako makikipagbuno sa ganyan. Sabi ng nanay at tatay ko parang kapag nakipagbuno ka sa baboy talo ka pa rin bakit, may putik ka pa rin. Mahilig sa putik yan e, ikaw dapat di ka mahilig sa putik,"

Ganito ang naging pahayag ni Senador Dick Gordon laban sa mga inaasta ni Antonio Trillanes. Matatandaang inalmahan ni Trillanes ang rekomendasyon ni Gordon na kasuhan si dating Presidete Noynoy Aquino dahil sa Dengvaxia controversy.

(I-skip sa 36:00 mark para mapakinggan agad ang panayam kay Gordon.)

Naungkat din sa panayam kay Gordon ang pagbibigay ng amnestiya ni Aquino kay Trillanes.

"Pinatawad ‘yan, lahat yan pinatawad ni Aquino eh, ‘yan ang problema eh… Ngayon ‘di tama ‘yan, kaya di ko nalang pinapatulan… Naiintindihan ng tao ‘yan malalaman at malalaman ‘yan," ani Gordon.

Sa senate committee report na iniahanda ni Gordon, inerekomendang kasuhan sina dating Pangulong NOynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad at iba pang opisyal ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act and the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sang-ayon ba kayo sa sinabi ni Gordon laban kay Trillanes?

Source: Inq | DZBB

Previous
Next Post »