TRAIN Law ng DU30 Gov't, Nakakolekta ng P6 Billion mula sa Sweetened Drink sa Loob lang ng 3 Buwan!

"We collected P6 billion from sugar sweetened beverages... From zero to P6 billion, (it) contributed a lot to the performance,"

Ito ang naging pahayag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay sa isang panayam matapos tumaas ang koleksyon ng ahensiya sa unang talong buwan ngayong taon ng 16.81 porsyento. Ayon pa kay Dulay, nakolekta ng P6 bilyong buwis ang gobyerno sa loob lang ng 3 buwan mula nang ipatupad ang TRAIN Law.

Sa ilalim ng Train Law, lahat ng inuming may caloric sweeteners and non-caloric sweeteners ay papatawan ng tax rate na P6 kada litro. Ang mga inuming may fructose corn syrup naman ay pinapatawan ng P12 kada litro. Layunin ng pagbubuwis na ito na mabawasan ang pagkakasakit ng diabetes ng mga Pilipino at mapondohan ng maayos ang proyekto ng gobyerno.

Ito po ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging resulta ng TRAIN law.

Anong masasabi niyo sa TRAIN Law? Suportado niyo rin ba ito?

Source: Philstar | Flying Ketchup

Previous
Next Post »