Top 6 Most Wanted na Kriminal sa Metro Manila, Arestado ng DU30 Gov't!

Nakaposas at hihimas ng rehas.

Ganito ngayon ang kinasadlakan ng isa sa mga itinuturing na "Most Wanted" na kriminal, notorious drug pusher at car-napper na si Joey Monterde, alyas "Pusa".

Ayon sa ulat ng Inquirer, inaresto si Monterde ng Taguig Police matapos ang raid na isinagawa ng mga ito sa bahay ng suspek sa Holy Family Village, Barangay Bagumbayan. Bitbit ng mga kapulisan ang warrant of arrest mula sa RTC Branch 267.

Sa salaysay ni Senior Insp. Glenn Amsiwen, kumander ng Taguig Police Community Precint 3, makailang ulit na umano nilang tinangkang hulihin sa kanilang buy-bust operations si Monterde, ngunit para itong "pusa" na umaakyat at tumatawid sa mga bubong ng mga kapitbahay at mabilis na nakakatakas.

Dagdag pa ni Amsiwen, ginamit din umanong "runners" ng ipinagbabawal na gamot ni Monterde ang kanyang tatlong anak na ang pinakamatanda ay 9-anyos lamang. Napag-alaman din ng pulisya na nagtatago sa ibang pangalan si Monterde at ito ay bilang si Oliver Vargas.

Walong sachet ng shabu at isang kalibre 38 na baril ang nakuha kay Monterde.

Source: Inquirer

Previous
Next Post »