Tatay na Hinihinalang Adik, Tinadtad ng Saksak ang 2 Anak!

Kalunos-lunos ang sinapit ng 2 batang lalaki sa kamay ng adik nilang ama na si Ariston Nacion. Tadtad ng saksak ang mga katawan nila Jievo at Lance Nacion nang matagpuan ng otoridad. Ayon sa hipag ng suspek, depressed na umano si Ariston at hindi mapa-uwi ang asawang OFW.

"Parang... depressed nalang din kasi. Selos. Parang pag-iisip niya, tapos hindi pa niya magawang mapa-uwi 'yung ate ko," sabi ng hipag ng suspek.

Napilitan namang paputukan ng pulis si Ariston ng manlaban ito.

"Lumapit 'yung isang kasama natin, si Lopez para kausapin 'yung...bigla naman siyang inundayan ng saksak. Umilag si SPO1 Lopez at aatras sana papunta doon sa may gate, sasaksakin nanaman siya sa likod," sabi ni Superintendent Clarence Gomeyac, assistant chief of Taguig City Police for Administration.

Base sa ulat ng GMA News, kilalang adik umano ang suspek sa kanilang komunidad.

"Police also recovered one sachet of shabu from the house, while a relative of the wife claimed Nacion was a known in their neighborhood as a drug user," ayon sa ulat ng 24 Oras.

Source: GMA News

Previous
Next Post »