Shutdown ng Boracay, Aprubado na ni P.DU30!

Loading...

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa isla ng Boracay sa mga turista. Ayon sa tagapagsalita ng Presidente na si Harry Roque, magiging epektibo ang pagpapasara sa isla sa ika-26 ng Abril. Isasara daw ito sa loob ng 6 na buwan. Ang anunsyo ay ginawa ngayong Miyerkules ng gabi.

Ipinasara ng Pangulo ang isla para bigyan daan ang rehabilitasyon nito. Matatandaang tinawag ng Pangulo na tapunan ng dumi ang Boracay dahil sa dagat itinatapon ng ilang establisimiyento ang kanilang mga dumi. Napag-alaman din na may mataas na lebel ng coliform bacteria ang dagat nito.

Basahin ang naging tugon ng mga kababayan natin sa pagpapasarado sa isla ng Boracay.

Suportado niyo rin ba ang pagpapasarado sa isla?

Source: Spox Harry Roque | ABS-CBN

Loading...

Comments