Shabu at Ecstacy Lab sa Batangas, Sinalakay ng PDEA, PNP at AFP!

Pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang sumalakay sa isang shabu at ecstacy laboratory sa Brgy. Sto Domingo, Ibaan Batangas ngayong araw, Abril 12, sa ulat ng ABS-CBN News.

Apat na suspek ang naaresto kabilang ang dalawang Tsino na ayon sa mga awtoridad ay hinihinalang pawang mag chemists, at dalawang Pilipino. Nakatakas pa umano ang isa pang Tsino na ngayon ay hinahagilap na rin ng pulisya. Isang tip umano mula sa National Narcotics Control ng Tsina ang natanggap ng mga awtoridad at pagkatapos ay kaagad na silang rumesponde para sa nasabing pagsalakay. Kasalukuyan nang iniimbentaryo ang mga gamit na nasamsam sa sinasabing laboratoryo ng ilegal na droga.

Samantala, ayon naman kay PDEA Director General Aaron Aquino, may kapasidad umano ang nabanggit na laboratoryo na gumawa ng 25 kilo ng shabu, bukod pa sa ecstacy, sa loob lamang ng isang araw. Hawak na ng mga awtoridad ang mga nahuling suspek habang pinaghahahanap naman ang isa pang nakatakas.

Talagang ayaw paawat ng mga kriminal na ito. Nawa, sa patuloy na kampanya ng pamahalaan sa kanilang giyera kontra droga, unti-unti at tuluyan nang maubos ang mga laboratoryo ng ilegal na droga sa bansa, at mahuli nang lahat ang mga utak sa likod nito.

Source: ABS CBN News

Previous
Next Post »