Sen. Leila de Lima, Kabilang sa World's 50 Greatest Leaders ng Fortune Magazine!

Kilalang-kilala si Senator Leila de Lima bilang isa sa mga hayagang kritiko ni Pangulong Duterte. Hindi iilang beses na nagpalitan sila ng maanghang na salita, bago pa man maaresto ang Senadora noong nakaraang Pebrero, dahil sa isyu ng paglaganap ng droga sa Bilibid, na umano'y naganap noong termino nito bilang Justice Secretary. Hustisya para sa mga biktima umano ng "extra-judicial killings" ang ipinaglalaban umano ng Senadora.

Nitong nakaraang Huwebes, kasama sa listahan ng Fortune Magazine si De Lima bilang isa sa 50 Greatest Leaders ng mundo, ayon sa ulat ng GMA News. Sa latest edition ng nasabing magazine, tinalakay nito ang kontribusyon ng mga personalidad na ipinaglalaban umano ang hustisyang pang-sosyal, ekonomiya, at kalikasan, kung saan ibinida ang mga anila'y katangi-tanging kakayahan at husay ng mga lider at kanilang organisasyon.

Ganito ang mababasang deskripsiyon sa Senadora, ayon sa Fortune.com:

"President Rodrigo Duterte's hard-line policies against drug dealers are polarizing globally, but in the Philippines they've faced little dissent. De Lima, who headed a committee investigating hundreds of extrajudicial killings under Duterte's leadership, has been a noble exception. Last February, she was arrested and jailed for as-yet-untried crimes, but imprisonment hasn't stopped the firebrand from continuing to speak out publicly".

Una sa listahan ng nasabing magazine ang The Students (Marjory Stoneman Douglas and other schools), habang pang-39 naman si De Lima.

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens ang nasabing balita.

Ano'ng masasabi niyo rito mga kababayan?

Source: GMA News| Fortune.com

Previous
Next Post »