Sapul sa CCTV! Tower Crane, Bumagsak! 2 Patay at 6 Sugatan!

Isang tower crane sa Lungsod ng Pasay ang bumagsak sa katabi nitong building na ikinasawi ng crane operator at ng isang trabahador sa isang gusali. Ayon sa ulat ng GMA News may 6 pang nasugatan sa naturang insidente. Ang mga biktima ay dinala sa San Juan de Dios Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na bumaba umano ang pressure sa hydraulic cylinder ng tower crane ng Monocrete Construction na dahilan ng pagbagsak nito.

"Yung crane operator po na nasa taas ay isa po sa nasawi at ang isa pang nasawi ay house keeper sa katabing building. So dalawa po ang confirmed na namatay sa insidente." sabi ni Sr. SUpt. Noel Flores, PNP CHief ng Pasay.

Base sa nakasaksi sa insidente, nakita pa raw niya ang dahan-dahan na pagbagsak ng nasabing crane.

Ito po ang mga pangalan ng mga nasugatan.

Jay Ballon, security guard; Francisco Angcatan, crane erector; Melvin Yosores, crane erector; Elmer Sedol, crane erector; at ang Chinese national na si Liu Shen Xiu.

Source: GMA News

Previous
Next Post »