Sapul sa CCTV! Notoryus na Holdaper, Nambiktima ng Turista! Naging Maamong Sisiw nang Mahuli!

Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isa sa mga suspek sa panghoholdap ng isang Chinese National sa kanto ng Remedios at San Marcelino Streets, Malate maynila. Ang walanghiyang kawatan ay isa lamang sa riding-in-tandem na huling-huli sa akto sa ginagawang krimen at nakunan pa ng CCTV!

Batay sa ulat ng TV5, makikita sa kopya ng CCTV kung paano sinubukang habulin ng biktima, na isang Chinese, ang lalaking umano'y nangholdap sa kanya. Sa kanto naman ay naghihintay ang isang lalaking sakay ng motor at dali-daling umangkas dito ang suspek bago mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Ang eksenang iyon ang tumawag ng atensiyon sa mga nagrorondang pulis sa lugar. Mabuti na lamang at agad nahuli ang nasabing suspek na kinilalang si Darwin Tapul, nang sumemplang ang motor na kinaaangkasan nito sa kalagitnaan ng habulan sa pagitan nila ng mga pulis. Sa kasamaang palad, nakatakas ang mismong nagmamaneho ng motor. Napag-alaman din sa imbestigasyon ng pulisya na si Tapul ay isang notorious na holdaper na pagala-gala sa lugar upang mambiktima ng mga foreigners. Nakuha sa kanya ang cellphone ng biktima at isang kalibre 45 na baril.

"Ang sabi po 'nung Chinese, tinutukan po siya ng baril sa ulo. Paglapit ko po 'yun po, may nakita po akong baril. Hinabol ko po 'yung dalawa, tapos 'yung isa po nagkahiwalay po sila," saad ng rumespondeng pulis na si PO1 Chimber Importa, na noo'y nagpapatrolya sanasabing lugar.

Mag-doble ingat po tayo parati mga kababayan. Kung kayo ang tatanungin, ano'ng parusa ang sa tingin niyong nararapat sa mga ganitong kriminal na walang katakut-takot sa batas?

Source: News5

Previous
Next Post »