Saksakan sa loob ng SM! Store Manager, Sinaksak ang Customer dahil lang sa Resibo!

Isang madugong krimen ang nangyari kagabi sa SM North Edsa. Ayon sa mga ulat, nagtalo ang store manager ng isang computer repair shop at ang customer nito na nauwi sa malagim na katapusan.

Nagtamo ng tama ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Geroldo Ramon Querijero. Nakilala naman ang suspek na si Leo Laab na tumakas matapos ang krimen. Pinaghahanap na ng otoridad ang suspek.

Base sa mga saksi at ilang ulat, nagtungo umano ang biktima sa PC Home Service Center para kunin ang laptop na pinagawa nito pero wala maipakitang job order o resibo, dito na nagsimula ang pagtatalo ni Laab at ni Querijero na nauwi sa saksakan.

Nadala pa sa JP Sioson General Hospital ang biktima ngunit namatay din. Narekober sa crime scene ang kitchen knife na nabili sa hardware sa loob ng mall.

Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa krimen sa SM.

Source: GMA News | Presinto 594

Previous
Next Post »