Rappler CEO Ressa, Ipinatatawag ng DOJ sa P133-M Tax Evasion Complaint!

Loading...

Inatasan ni Assistant State Prosecutor Zenamar J.L. Machacon-Caparros sina online news network Rappler President Maria Ressa, gayundin ang treasurer nito na si James Bitanga na magsumite ng kanilang counter-affidavit at ilang mga dokumentong kakailanganin ng kanilang panig, kung mayroon man, sa Department of Justice sa darating na Abril 24 at Mayo 7, ulat ng GMA News. Ito ay kaugnay ng isinampang reklamo ng Bureau of Internal Revenue noong nakaraang Marso laban sa kanilang istasyon, hinggil sa umano sa P133,841,305.75 halaga ng tax-evasion nito.

Nauna nang pinabulaanan ni Ressa ang nasabing reklamo at ayon sa kanya, isang uri lamang daw ito ng pananakot at panliligalig. Dagdag pa ni Ressa, nag-aaksaya lamang daw umano ang Gobyerno ng enerhiya at yaman upang umano'y patahimikin ang pamamahayag na hindi papabor sa administrasyon. Ayon pa sa Rappler, maingat, eksakto at nasa oras nilang binabayaran ang ipinapataw sa kanilang buwis.

"You are hereby warned that failure on your part to comply with this subpoena shall be considered as a waiver to present your defense and the case shall be considered submitted for resolution based on the evidence on record,"saad ng DOJ.

Umani naman ng iba't ibang reaksiyon sa social media ang nasabing balita. May ilang nagsasabing gingipit umano ng pamahalaan ang sinumang hindi sumang-ayon sa mga polisiya nito. Mayroon namang ilang netizens na nagsasabing hindi umano kwalipikado ang istasyon na italaga bilang isa sa mga "fact-checkers" sa Facebook dahil ni hindi raw ito nagbabayad ng tamang buwis.

Narito ang ilan sa mga komento mula sa netizens:

Ano'ng opinyon niyo rito mga kaibigan?

Source: GMA News

Loading...

Comments