Trillanes, Nagbabala kay P.DU30! "Pwede Kang Isyuhan ng Arrest Warrant sa Pagbabanta mo sa ICC!"

"'Yang mismong threat niya na ganyan, [na] papakain niya sa buwaya... papahuli niya at [ang] pag-withdraw niya sa [Rome Statute], ito 'yung gagamitin ng ICC to justify the issuance of a warrant ...sa ICC investigation proper pa lang pwede na silang mag-issue ng arrest warrant.... Kung 'yung ganyan ang government ay 'di nakikipag-cooperate, worse nanakot... 'yan pa mismo 'yung gagamitin na reason kung bakit mag-i-issue ng warrant of arrest against him"

Ito ang naging reaksyon ni Senador Antonio Trillanes sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaaresto ang International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda kung sakaling magpunta sa Pilipinas para mag-imbestiga. Ayon pa kay Trillanes, ang pahayag ni President Duterte laban sa ICC ay senyales na natatakot na ang Pangulo.

Panoorin ang pahayag ng Pangulo laban sa ICC.

"Maliwanag dito na takot na takot itong si Duterte dito sa kaso niya sa ICC. Lumalabas diyan na talagang duwag siya. Alam ninyo ang hirap dito nagsiga-siga siya at pinapatay niya ang mga Pilipino --20,000 na ang namamatay 'yung ibang mga kababayan natin, hindi alam o walang pakialam," sabi pa ni Trillanes.

Para naman kay Senador Dick Gordon, may karapatan si Pangulong Duterte na arestuhin ang sinumang ICC prosecutor na mag-iibestiga sa Pilipinas. Ito raw ay malinaw na pangingialam sa soberenya ng isang bansa.

"Alam mo ako, hindi ako pipirma diyan sa ICC na 'yan e dahil diminution talaga ng sovereignty natin 'yan e. Akalain mo, ibang bansa papasok dito, mag-iimbestiga... As far as the President is concerned, he has the right to protect the country. Kapag ang mga ito ay gagawa lang ng hindi mabuti, dine-destabilize ang bayan natin, he has that right," sabi naman ni Senador Gordon.

Sino ang mas kapani-paniwala? Si Gordon o si Trillanes?

Source: gma News | GMA News | News5

Previous
Next Post »