PNP, Sinibak ang Hepe at 17 Pulis Malate Matapos Mangikil ang Apat sa Kanila!

Sapul sa CCTV ang ginawang entrapment operation ng Philippine national Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang convenient store laban sa 4 na pulis Malate na nangikil sa isang Egyptian national. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nakilala ang mga suspek na sina SPO3 Ranny Litonjoa Dionisio, PO1 Elequiel Jeric Fernadnez, PO3 Richard Osorio Bernal at PO1 Arjay Lastricia Lasap.

Reklamo ng Egyptian national, pinalibutan ng humigit-kumulang 10 pulis ang kanyang kotse at pilit pinapaamin na mayroong natanggap na droga.

"Initially, nag-demand ng P200,000, nagkasundo sa P50,000, at nag-isyu ng tseke yung Egyptian national. Ang ating district director ay hindi natuwa considering na tarnish na naman ang image ng Manila Police District because of these few police officers na hindi man lang binigyang halaga ang kanilang service reputation. I will not speculate noh, so baka pwedeng hindi lang apat ang involved dito, kaya we are conducting an in-depth investigation on this matter, " Supt. Erwin Margarejo, Manila Police District Spokesperson.

Ito naman ang paliwanag ng sibnibak na Hepe ng Malate Police.

"Nag sarili ng mga lakad yan. Personal nila yan. Hindi ko actually kilala personally ang mga yan, kung anong mentalidad ng mga yan," sabi ni Eufronio Obong.

Basahin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa pagkaka-aresto sa mga pulis.

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »