PNP, May Bagong P435 Milyong Helicopter!

"We will officially commission today a brand new air asset to bolster the operational capability of the PNP in addressing criminality, terrorism, and other police emergencies that require air ground operations,"

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa sa isang press briefing matapos pinasinayaan ang bagong helicopter ng PNP na nagkakahalaga ng P435 million. Ang helicopter ay galing sa kumpanyang Texas-Base Bell Helicopter Textron na nanalo sa bidding noong nakaraang taon. Nai-deliver sa PNP ang sasakyang panghipapawid noong Abril 12 pa.

Nagpasalamat naman si PNP Chief sa pamahalaan sa pag-aalala at pag-suporta sa kapulisan.

"We are thankful to the national leadership for its genuine concern for the police force by providing for our operational requirements," sabi ni Gen. Bato.

Inaasahan din ni Gen. Bato na lubos na makakatulong ang sasakyan sa operasyon at misson ng kapulisan.

"WWith better equipment, sufficient funds and upgraded wages for personnel, there is no reason to fail our mission to serve and protect our people," dagdag pa ni Gen. Bato.

Source: Inquirer | PNP

Previous
Next Post »