PGH, Pinaalis ang Lolo sa Upuan at Hinayaan Nakatayo? Upuan, Kinandado pa?

Kumakalat ngayon ang social media post ng Facebook page na Trending News Viral tungkol sa isang lolo na pinaalis umano sa kinauupuan nito at pinabayaang tumayo raw ng staff ng Philippine General Hospital (PGH). Ayon pa sa post ng nasabing Facebook page, kinandado pa raw ng hospital staff ang upuan. Umabot na sa mahigit 162,000 shares ang naturang post habang isinusulat ang artikulong ito.

"Guys! Eto po yung Senior Citizen na pinaalis ng staff ng PGH sa kinauupuan dahil hindi daw pwede gamitin ang mga upuan sa ospital ng kahit sino, hinayaan po nilang nakatayo na lang si Lolo at ikinandado ang mga upuan.. hindi ito makatao sa mga nakakatanda, sino ba dapat ang pwedeng gumamit ng mga upuan? at bakit kaylangan ikandado ang mga upuan? tatanda rin naman kayo kaya dapat maunawaan nyo sitwasyon nh mga matatanda.. paki SHARE na lang po para makarating sa kinauukulan kung bakit may ganitong sistema sa Philippine General Hospital," sabi sa post ng Trending News Viral.

Basahin ang naging reaksyon ng mga tao sa post ng Trending News Viral.

Source: Trending News Viral

Previous
Next Post »