P.DU30, Nag-SORRY sa Hongkong tungkol sa 2010 Bus Hostage Tragedy!

"From the bottom of my heart, as the President of the Republic of the Philippines, and in behalf of the Filipino people, may I apologize formally to you now,"

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa isang bahagi ng kanyang talumpati sa harap ng Filipino Community sa Hongkong. Ayon sa Presidente, wala pa raw pormal na nagpaumanhin mula sa pamahalaan tungkol sa nangyaring insidente sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

"We are sorry that the incident happened and as humanly possible I would like to make this guarantee also that it will never happen again. I hope this would go a long way to really assuage the feeling of the Chinese people and government," sabi pa ni Duterte.

Noong 2010, matatandaang nanindigan si Aquino na hindi magso-sorry sa Hongkong sa palpak na pagligtas ng Philippine National Police sa mga Hongkong tourists na hinostage ni dismissed police officer Rolando Mendoza sa loob ng bus sa Quirino Granstand, Manila. 8 ang namatay sa insidente.

Source: GMA News | GMA News

Previous
Next Post »