Pamilya, Pinagsasasaksak ng Adik na Ama Dahil sa Tsismis

Madalas nating marinig na ang "tsismis" o'yung tinatawag nating "sabi-sabi" ay walang mabuting maidudulot sa buhay ng tao. Karaniwan na itong pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan at kung minsan ay humahantong pa sa pagkakasakitan. Kung sasamahan pa ng pagagamit ng ilegal na droga, tiyak na kapahamakan ang patutunguhan.

Isang mag-anak sa Lapu-Lapu City ang sugatan matapos pagsasaksakin ng mismong haligi ng tahanan ng mga ito sa loob ng kanilang bahay. Sa ulat ng ABS-CBN News, kasalukuyang nagpapagamot umano sa ospital ang mga biktimang kinabibilangan ng mismong asawa ng suspek, 2 anak nito, at kapatid matapos silang paulanan ng saksak ng 43-anyos na mister, madaling araw ng Lunes, sa kanilang bahay sa Barangay Pajac.

Isang "tsismis" umano ang narinig ng suspek na may ibang lalaki raw ang kanyang asawa, kaya't nagalit raw ito at nagawa ang krimen.

Mariing pinabulaanan ng pamilya ang pahayag ng suspek, at dagdag pa nila, lulong umano ito sa droga at apat na araw nang hindi natutulog.

Kaagad namang nahuli ang suspek na haharap sa kasong frustrated parricide.

Ano'ng opinyon niyo rito mga kababayan?

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »