Pagpataw ng Buwis sa Simbahan, INALMAHAN ng Pari! "Naghihiganti kayo!"

"Hopefully they are rational enough that before they do so, tignan nila yung mga libro. Many times 'yung kanilang (government) sinasabi gusto lang mag-revenge."

Ganito ang naging pahayag ni Bishop Broderick Pabillo nang matanong tungkol sa isyu ng pagpapataw ng buwis sa simbahan. Kamakailan lang ay inilutang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ideya ng pagpapataw ng buwis sa mga eskwelahang pinatatakbo ng mga simbahan. Ayon kay Alvarez, balak nila itong isabay sa pag-aamyenda sa batas. Sobrang mahal daw ang matrikula, hindi rin daw puwedeng mag-aral ang mga kababayan nating mahihirap at pinagkakakitaan daw talaga ng mga simbahan.

"Para wala nang kwestyon-kwestyon pa sa judiciary. Hindi pupuwedeng mag-aral yung mga mahihirap dito. Ang mahal ng tuition fees. Hindi na ito non-profit organization. Talaga for profit ito, so bakit mo hindi ita-tax?," sabi ni Alvarez.

Bukas naman sa suhesityon ni Alvarez si Senate President Koko Pimentel.

Basahin niyo po ang reaksyon ng mga kababayan natin tungkol sa pag-alma ng pari sa religious tax.

Sang-ayon ba kayo na buwisan na ang mga simbahan?

Source: ABS-CBN

Previous
Next Post »