Pagbibitiw ni Justice Secretary Aguirre, Inanunsiyo na ni P.DU30!

Natuldukan na rin ang mga haka-haka at sabi-sabi sa isyu ukol sa pagre-resign umano ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II. Ngayong araw ay tinanggap na ni Pangulong Durterte ang resignation ni Aguirre.

Naging maingay ang kontrobersiya mula nang magpahayag ang Pangulo ng matinding pagkadismaya sa pagkakabasura ng mga kaso laban sa mga hinihinalang bigating drug lords sa bansa. Ito ay sina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co at ang iba pang mga sangkot sa kalakaran ng droga.

Sa kasalukuyan ay naghahanap na umano si Pangulong Duterte ng ipapalit sa pwestong nabakante ni Aguirre.

Matatandaang noong nkaraang buwan, humingi pa ng dispensa si Aguirre sa mga prosekyutor na nag-dismiss ng kaso ng mga nabanggit na hinihinalang leader ng drug syndicates, matapos umalma ang mga ito sa iniutos na mas malalim na imbestigasyon sa kanilang naging pasya. Kawalan ng sapat na ebidensiya ang itinuturong dahilan sa naging hatol ng mga prosekyutor.

'I accepted the resignation of Vit. Aguirre. I'm looking for his replacement,"saad ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News | Inquirer | PTV

Previous
Next Post »