Pag-DEPORT sa EU Politician, INALMAHAN ni Bam! "Dapat Imbestigahan Iyan! Hindi Tama!"

Matapos gumawa ng ingay ang pag-deport ng Bureau of Immigration (BOI) sa EU politician na si Giacomo Filibeck dahil sa pakikilahok nito sa isyung pampulitika ng bansa, agad namang umalma si Senador Bam Aquino sa ginawa ng Duterte Government sa banyagang politiko. Ayon kay Bam, hindi daw tama ang ginawa ng pamahalaan at dapat imbestigahan kung bakit dineport si Filibeck.

"Alam niyo, palagay ko po, kailangan imbestigahan pa iyan noh. Hindi po malinaw sa akin ano po yung rason kung bakit siya dineport. Dahil ba may tinututulan siya dito sa ating bayan, ide-deport ka na? Parang hindi naman po tama iyon noh. I'm sure many of us congressmen and senators will try to find out. Ano ba talaga yung nangyari doon? Dapat hindi na maulit muli." sabi ni Bam.

Si Filibeck ay dumating sa bansa kahapon para dumalo sa Anakbayan Party Congress pero agad pina-deport ng BOI. Isa si Filibeck sa mga EU politicians na nagpunta sa Pilipinas noong Oktubre 2017 para kundinahin ang kampanya kontra-droga ng Duterte Government.



Ayon sa Department of Justice, nakikilahok ang banyaga sa isyu pampulitikal ng bansa kaya may karapatan ang gobyerno na palayasin ito sa Pilipinas.

"It is unlawful for aliens staying in our country to engage in partisan political activities, and the government has the right to refuse entry to those who have committed these illegal acts in the past," sabi ni Sec. Guevarra.

Basahin po niyo po ang reaksyon ng mga tao sa pinagsasabi ni Bam.

Anong masasabi niyo sa komento ni Bam?

Source: The Freeman | Akbayan | ABS-CBN Archive

Previous
Next Post »