Pag-Deport sa EU Politican, Kinundina ni Risa! "Hindi Makatarungan!"

Lumikha ng ingay kamakailan ang pagsipa ng Duterte Government sa EU politician na si Giacomo Filibeck na nagpunta sa bansa para dumalo sana sa Akbayan Party Congress. Pero ang pagharang na ito ng gobyerno ay hindi nagustuhan ni Senador Risa Hontiveros.

Si Filibeck ay dumating sa Mactan-Cebu International Airport pero agad hinarang ng Bureau of Immigration at ipina-deport. Matatandaang bumisita na rin si Filibeck noong Oktubre 2017 sa bansa para kundinahin ang kampanya kontra-droga ng Duterte Administration

"I condemn the deportation of Giacomo Filibeck, parliamentarian member of the party of European Socialist na dapat guest namin dito sa congress at sa aming anniversary dahil mga sister parties namin sila. But in a way, dapat hindi kami masyado nagulat. 'Yung mga ganyang unjust deportations halos standard tactic sa authoritarian playbook. You will remember na even the former dictator Marcos, at one time deported a Fil-American na pumunta dito dahil she wanted to be in solidarity," sabi ni Risa.

Hindi ata nalalaman ni Risa ang batas na nagbabawal sa mga dayuhan na sumali sa isyung may kinalaman sa politika. Ayon sa Department of Justice, hindi pinahihintulutan ng batas ang sinumang banyaga na makilahok sa mga political activities at may karapatan ang Pilipinas na hindi tanggapin ang mga lalabag sa batas na ito.



"It is unlawful for aliens staying in our country to engage in partisan political activities, and the government has the right to refuse entry to those who have committed these illegal acts in the past," ani Justice Sec. Guevarra.

Source: Source: ABS-CBN | The Freeman | Akbayan

Previous
Next Post »