P162 Milyong Halaga ng Hi-Grade Cocaine, Palutang-lutang sa Karagatan ng CamSur!

Dalawampu't pitong kilo ng cocaine na nasa loob ng isang plastic container ang nakitang palutang-lutang sa karagatan sa Camarines Sur ngayong araw, sa ulat ng ABS-CBN news.

Ayon sa imbestigasyon, nagkakahalaga ng may P162 milyon ang nasabing powdered substance na natagpuan ng 4 na mangingisda, at kaagad naman nila itong inulat sa mga opisyal ng barangay. Kinumpirma ng Quezon Police Crime Laboratory na cocaine nga ang mga ito matapos sumailalim sa pagsusuri.


Matatandaan na noong nakaraang Enero ay may 24 kilong cocaine ang narekober ng mga awtoridad mula sa baybayin ng Juag Lagoon sa Barangay Calintaan, Matnog Sorsogon. Ayon sa pulisya, maaaring ang mga nakitang ito ng mga mangingisda ay kunektado rin sa nasabat noon.

Napakalala ng problema sa ilegal na droga ng bansa, na kahit paulit-ulit na sinusugpo ay pilit pa ring bumabalik. Sana ay dumating ang panahon na tuluyan nang maresolba ang suliraning ito ng bansa.

Source: ABS-CBN News| ABS-CBN News | GMA News | Photos by Darrel Jun Buena

Previous
Next Post »