P100,000, Tinangay ng Kasambahay! Nagpapasok pa ng Lalaki sa Kwarto ng Amo!

Ang tindi rin naman ng kakapalan ng mukha ng kasambahay na ito mga kababayan!

Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang kasambahay na tumangay ng nasa halagang P100,000 ng pera at gadgets ng kaniyang amo sa Pasig City, sa eksklusibong ulat ng GMA News. Tatlong araw umanong naiwang mag-isa ang nasabing suspek sa bahay ng kanyang amo na nanganak at nagpapagaling sa ospital noong mga panahong iyon, na sinamantala naman ng nasabing kasambahay. Ang suspek ay nakilalang si Ivy San Juan, 24 anyos.

Ang inaasahang magiging bantay-bahay, naging bantay-salakay! Hindi pa rito nagtatapos mga kababayan. Nagpatuloy pa umano ng lalaki sa kwarto mismo ng kanyang amo ang walanghiyang kawatan, nakipag-inuman doon, at nagkulong sa kwarto kasama ang nasabing lalaki nang magdamag, at lahat ng iyon ay nahuli sa CCTV! Aba mahusay!

Makalipas umano ang ilang araw ay muling nahagip sa CCTV ang hanep na kasambahay. Ang masaklap, tangay-tangay na nito ang pera at gadgets ng kawawang amo na aabot sa isandaang libo ang halaga. Sagad sa kakapalan ang suspek na nagawa pa umanong mag-selfie suot ang mismong blouse na kinulimbat mula sa kanyang amo, at buong tapang na ipinost ito sa kanyang social media account!

Ibang klase na ngayon ang mga kawatan mga kababayan. Maging maingat po tayo sa pagpili ng mga kasambahay, lalo na at hindi natin personal na kakilala ang kukunin nating pagkakatiwalaan.

Source: GMA News

Previous
Next Post »