OFW na Minaltrato at Nilapnos ng Amo sa Saudi, Mapapauwi na ng DU30 Gov't!

Sino ang makakalimot sa tila isang bangungot na sinapit noong taong 2014 ni Fahima "Candies" Alagasi, isang OFW na nagtrabaho bilang household service worker sa Saudi Arabia. Si Alagasi ay nagtamo ng matitinding lapnos sa kanyang katawan matapos buhusan ng kumukulong tubig ng kanyang amo, nang aksidente umano nitong nabitawan ang takip ng thermos habang ipinagtitimpla ng kape ang kanyang amo.

Ngayong Miyerkules, masayang ibinalita ni ACTS-OFW Rep. Aniceto "John" Bertiz III ang nalalapit na pag-uwi sa Pilipinas ni Alagasi. Ayon kay Bertiz, ang reptriation na ito ni Alagasi ay isang magandang resulta ng pakikipag-usap tungkol sa nasabing kaso ni Panguong Duterte sa Saudi Prince noong Marso 19, sa isinagawang courtesy visit nito sa Malacañang. Ipoproseso na umano ang mga papeles at clearance ni Alagasi at makakauwi na ito sa loob ng dalawang linggo.

Sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Bertiz na natanggap niya ang balita mula sa Saudi Arabia's Ambassador to Manila mula kay Dr.Abdullah Bin Nasser Al-Bussairy, na naresolba na ang nabanggit na kaso sa pamamagitan ng Saudi Prince at Interior Minister Abdulaziz bin Saud bin Naif, pagkatapos nga ng naging opisyal na pagbisita nila sa palasyo at makipag-usap kay Pangulong Duterte.

Salamat po President Duterte! Mabuhay po kayo!

Source: Inquirer

Previous
Next Post »